Sagot :
WIKANG OPISYAL
Ang wikang opisyal ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng saligang batas ng bukod tanging istatus upang gamitin ng isang bansa.Ito ang pangunahing wika na ginagamit ng isang bansa sa opisyal na talastasan ng kanilang pamahalaan. Ang wikang Opisyal ng Pilipinas ay ang Filipino at Ingles. Ang wikang Ingles ay naaprobahan ayun sa artikulo IV, Seksiyon 7 at ito ang gagamitin ng pamahalaan sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento ng pamahalaan. Ang wikang opisyal ang ginagamit ng isang bansa upang lubos na maunawaan ng mamamayan ang mahahalagang usapin sa bansa.
MGA DISKURSO AT TALAKAYAN KUNG SAAN GAGAMITIN ANG WIKANG OPISYAL
1. Talumpati ng pangulo;
2. Mga deleberasyon sa kongreso at senado;
3. Pagtuturo sa paaralan;
4. Paglilitis sa korte.
ano ang wikang opisyal: brainly.ph/question/4663258
#LetsStudy