👤

kinaroroonan ng silangang asya in tagalog

Sagot :

Answer:

SILANGANG ASYA

Ang Silangang Asya ay isa sa mga rehiyon ng Asya.  Ang coordinates ng Silangang Asya ay 38.7946° Hilaga/North, 106.5348° Silangang/East.  Sa heograpiya, tinutukoy ito ang rehiyon na binubuo ng Republikang Popular ng Tsina (kabilang ang Hong Kong at Macau), Hilagang Korea, Timog Korea, Hapon, Mongolia at Taiwan.

Sumasaklaw ito sa lawak na 12,000,000 kilometro kuwadrado (4,600,000 milya kuwadrado), o humigit-kumulang 28% ng populasyon ng kontinenteng Asya.  Ang tatlong kilala na bansa sa Silangang Asya ay ang China, Japan at Korea. Ang mga bansang ito ay may pagkakapareho may kinalaman sa pagsulat at kultura. Ang halos kultura ng mga bansa sa Silangang Asya ay impluwensya ng China. Kaya naman, masasabi na ang China ay isa sa mga malalakas na bansa sa Asya.

Bansa't kabisera sa Silangang Asya (East Asia)

Beijing, China

Hong Kong, Hong Kong (China)

Macau, Macau (China)

Pyongyang, North Korea

Seoul, South Korea

Taipei, Taiwan

Tokyo, Japan

Ulaanbaatar, Mongolia

Ang uri ng klima na nararanasan sa Silangang Asya ay Moonsoon Climate o   Humid Sub Tropical. Nakakaranas ng tag-init at taglamig ang mga bansa sa Silangang Asya. Malaki ang populasyon nito kaya naman marami ring kabuhayan ang ginagawa sa rehiyong ito.

Explanation:

Kinaroroonan ng Silangang Asya

Ang East Asia naman ay makikita sa ilalim na bahagi ng bansang Russia (38.7946° North, 106.5348° East). Mayroong siyam na bansa ang makikita sa rehiyon na mayroong kabuuang sakop na 11,800,000 kilometro kwadrado.

Kinaroroonan ng Silangang AsyaIsa ang Silangang Asya sa pinakamalaking sakop dahil makikita rin dito ang bansang China. Nasa silangan nito ang malaking bahagi ng Pacific Ocean.

Kasama sa Silangang Asya ang mga bansang magkakadikit na Mongolia, China, South Korea, North Korea, Hong Kong, Macau, habang nakahiwalay naman ang mga bansang Japan at Taiwan na nasa itaas na bahagi ng Pilipinas na bahagi naman ng Timog Silangang Asya.

Sana po makatulong