👤

_________8. Hindi raw epektibo ang Bilinggwalismo sa anong kadahilanan?
a. kulang ang materyales sa pagtuturo ng mga asignatura
b. pangalawang wika ang ginagamit sa pagtuturo na di nauunawaan ng mga bata
c. mahina ang mga mag-aaral na Pilipino sa Ingles pero magaling sa Filipino.
d. walang interes ang mga bata sa pag-aaral
_________9. Ang Pilipinas ay isang bansang maraming wika. Ano sa tingin mo ang gamit o halaga ng wikang
Filipino sa pakikipag-ugnayan sa umiiral na sitwasyon?
a. wikang panturo b. wikang opisyal c. wikang lingua franca d. pangalawang wika

_________10. Nanonood ka ng SONA ni Pangulong Duterte, napansin mong Filipino ang kaniyang gamit na wika
sa kaniyang talumpati. Ano ang gamit nito?
a.wikang opisyal b. wikang pambansa c. wikang panturo d. lingua franca
_________ 11. Ang dating salitang tatay ngayon ay erpats na. Nangangahulugan lamang na ang wika ay…
a. masistemang balangkas c. natatangi o unique 
b. arbitraryo d. buhay at dinamiko 
_________12. Si Maria ay matatas sa pagsasalita ng Chavacano, ani ng iba, natatangi ang salita, tono, at bigkas ng bernakular na Chavacano.  
a. masistemang balangkas c. natatangi o unique 
b. arbitraryo d. buhay at dinamiko 


_________13. Ang agham na salitang acceleration ay may katumbas na pagbilis o arangkada. Ang pahayag  ay nagpapatunay lamang na ang wikang Filipino ay… 
a. patuloy nagbabago c. patuloy na namamatay 
b. patuloy na lumalago at umuusbong d. wala sa mga nabanggit 
_________14. Sinasabing ang wika ay salamin ng ating pagkatao. Ang pahayag na ito nagpapakita na ang  wika ay… 
a. karugtong ng ating buhay c. makabuluhan kung ginagamit. 
b. bahagi ng ating ssistema. d. wala sa mga nabanggit 
_________15. Ang lungsod ng Zamboanga ay binubuo ng iba’t ibang pangkat etniko tulad ng Subanen,  Tausug, Badjao at marami pang iba. Sinasabing ang bawat pangkat ay may kaniya-kaniyang  wika. Ano ang sitwasyong pangwika ng lungsod ng Zamboanga. 
a. homogenous c. homogenous at heterogenous 
b. heterogenous d. di- tiyak ang sitwasyong pangwika
_________16. Ang wika ay nabubuo mula sa mga tunog na ipinagsasama-sama upang makalikha ng mga  makabuluhang salita,parirala, pangungusap, at talata. Anong katangian ng wika ito? 
a. masistemang balangkas c. ginagamit ng tao 
 b. arbitraryo d. buhay at dinamiko 
_________17. Dumalo sa Pista ng Curuan si JR kasama ang kaniyang mga magulang. Sila ay mga  Zamboangueño na nakatira sa sentro ng lungsod. Habang nakikipagkuwentuhan si JR, napansin  niyang pareho sila ng wikang ginagamit subalit may kaunting kaibahan sa bigkas at tono ng  salita. Gayon pa man ito ay hindi naging hadlang upang magkaroon siya ng magandang  karanasan at mga kaibigan sa nasabing pagdiriwang. Alin sa mga sumusunod na paliwanag ang  angkop at tama batay sa sitwasyong binigay?  
a. Ang wika ni JR at wika sa Curuan ay magkahiwalay na wika. 
b. Ang wika ni JR at wika sa Curuan ay isang halimbawa ng diyalekto. 
c. Ang wika ni JR at wika sa Curuan ay magkahawig subalit magkaibang wika 
d. wala sa mga nabanggit. 
_________18. Ang salitang Avalanche sa Ingles ay ang mga pagguho ng mga malalaking tipak ng niyebe mula  sa taas ng bundok. Walang tiyak na katumbas ito sa Filipino, dahil… 
a. kulang pa ang bokabularyo ng Filipino 
b. mahirap hanapan ng katumbas 
c. wala sa kultura o hindi ito nagaganap sa atin 
d. wala sa mga nabanggit 
_________19. Ang United States of America ay may pambansang wikang Ingles. Ang lahat ng kanilang  mamamayan ay bihasa sa wikang ito. Ano ang sitwasyong pangwika ng bansang USA?
a. homogenous c. homogenous at heterogenous 
b. heterogenous d. di- tiyak ang sitwasyong pangwika 
_________20. Ang wika ay kailangang pinagkakasunduang gamitin at pairalin , hindi maaaring iisang tao  lamang ang magdidikta sa wikang nais niya. Anong katangian ng wika ito? 
a. masistemang balangkas c. ginagamit ng tao 
b. arbitraryo d. buhay at dinamiko​