👤

ito ang tinatag ni Aguinaldo sa Biak na bato​

Sagot :

Answer:

REPUBLIKA NG BIAK NA BATO

Pinulong ni Aguinaldo ang kanyang mga pinuno upang bumuo ng Saligang Batas. Sinulat ito nina Isabelo Artacho at Felix Ferrer at pinagtibay noong Nobyembre 1, 1897 kasabay nito, itinatag ang Republika ng Biak na Bato at itinalaga ang mga nahalal na pinuno.

KASUNDUAN SA BIAK NA BATO Namagitan si Pedro Paterno upang magkaroon ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng mga Kastila at mga Pilipino. Nilagdaan nila Aguinaldo at Gob Hen Fernando Primo de Rivera ang kasunduan sa Biak na Bato Noong Disyembre 14, 1897 Kapwa hindi tumupad sa usapan ang magkabilang panig.

PAGPAPATULOY NG HIMAGSIKAN Bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo at itinatag ang Pamahalaang Diktaturyal Noong Mayo 19, 1898 Sa tulong ng mga Amerikano, ipinagpatuloy ng mga Pilipino ang labanan para sa kalayaan. Pinaghandaan din ng mga Pamahalaaan ang pagpapahayag ng kasarinlan sa bansa.

PAGPAPAHAYAG NG KASARINLAN Sa isang makulay na seremonya, ipinahayag ang Kasarinlan ng Pilipinas sa Cavite del Viejo (Kawit), Cavite noong Hunyo 12, 1898. Binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista ang Acta de Independencia habang winawagayway ni Gen. Aguinaldo ang Watawat ng Pilipinas na gawa ni Marcela Agoncillo.

Explanation:

thank you Po (•‿•)(. ❛ ᴗ ❛.)

Answer:

RIPUBLIKA NG BIYAK NA BATO