Sagot :
1. Pabalat – ito ay ang nasa harapan at hulihan ng isang aklat at nagbibigay ng proteksyon sa aklat. Naglalaman ito ng larawan at titulo ng isinulat na aklat.
2. Pahina ng Karapatang Sipi – Ito naman ay isang pahina na kung saan makikita ang taon na kung kailan inilathala ang aklat. Kabilang rin dito ang pagpapahayag ng karapatan ng awtor at kun saan ito inilimbag para makita ng mambabasa kun saan nanggaling ang aklat.
3. Pahina ng Pamagat – dito naman nalalaman ang pangalan ng awtor na nagsulat ng aklat, ang pamagat ng aklat at ang ngalan ng palimbagan.
4. Paunang Salita – sa pahina o mga pahinang nito nakasaad ang mensahe ng awtor para sa magbabasa ng kanyang aklat. Nalalaman rin dito ang mga tip para mapakinabangan sa paggamit ng aklat ng mga nagbabasa nito.
5. Talaan ng Nilalaman – sa pahina o mga pahinang nito nakalagay ang listahan ng mga nilalaman o mga paksang tatalakayin sa aklat.