👤

Sumulat ng isang tula tungkol sa pagkakaroon ng malusog na isip,emosyon at relasyon sa pamilya. Isulat ito sa isang buong papel. Pakiayos po ng sagot. (Nonsense - Report)​

Sagot :

Answer:

Sa aking pamilya

Kayo ang dahilan ng aking hininga

Ako ay nabuo sa inyong kalinga,

Pag ibig na wagas, Totoo't dakila

Ang siyang nagbigay ng lakas ko't sigla

Hinubog ang aking damdamin at diwa,

Kasama ko kayo sa ngiti ko't luha.

Sa aking pagtulog sa gabing madilim

Nagbabantay kayo hanggan sa mahimbing

Hindi hahayaang lamok ay kagatin

Pati sa init, pilit papawiin,

At kung ako ma'y tuluyang magising

Nakangiti kayong sasalubong sa akin.

Hindi nga maliit ang sakripisyo n'yo

Simula nang ako'y maging isang tao

Kaya naman ako'y ma'y mga pangako

Mga utos at hiling ay susundin ko

Igagalang kayo at irerespeto

At Mamahalin sa buong buhay ko

Explanation:

Correct me if I'm wrong