Panuto: Suriin kung makatotohanan o hindi makatotohanan ang bawat pahayag na hinango mula sa nabasang akda. Isulat ang iyong reaksiyon sa isang sagutang papel.
1. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay madaya.
2. Tayo'y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbalatkayo ng maningning. Nagdaraan ang isang maralitang nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo'y mapangingiti at isasaloob: Saan kaya ninakaw? Datapwa'y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kaniyang katawan na siya'y nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay.
4. Ay! Sa ating pang-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag.