Aralin 2: Uri ng paghahambing(Magkatulad at Di-magkatulad) Gawain A: Kopyahin ang pangungusap at salungguhitan ang pahiwatig na ginamit sa pangungusap. Isulat ang Magkatulad kung ang paghahambing ay patulad at Di-magkatulad kung hindi sa huling bahagi ng pangungusap. 1. Ang magkaibigan ay magkasingtangkad 2. Lalong mahirap ang pamumuhay sa Maynila kumpara sa probinsya. 3. Pakiramdam ko kasinglakas ko si Herkules. 4.Si Roni ay di-gasinong masipag gaya ni Ramon. 5. Ang tsokolate ay kasintamis ng pagmamahal ng magulang. 6. Lalong lalala ang ekonomiya kapag hindi pa rin matigil ang Covid. 7. Gamunggo ang pawis niya ng mag-ehersisyo. 8. Higit na matiyaga sa trabaho ang mga Pilipino. 9. Di-lubhang mahirap ang pagsusulit kapag nauunawaan ang topiko. 10. Di-gaanong matalino ang batang pabaya sa pag-aaral.