Gawain 6: Situation Analysis Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon na nasa ibaba at sagutan ang pamprosesong tanong. Pinaghawak ka ng iyong nanay ng badyet sa inyong pamilya sa loob ng dalawang linggo dahil may pupuntahan sya na malayo at tatagalin ng dalawang lingo. Binigyan ka ng halagang 8,000 at nagkataon na enrollment na sa APCSM at kailanga mong magtabi ng 2,000 para sa down payment ng iyong enrollment. Paano mo ibabadyet ang perang ibinigay s aiyo upang mapagkasya ang mga susunod na gastusin: (Ipagpalagay na ang mga bayarin na ito ay magaganap sa loob ng dalawang linggo) Internet Tubig Kuryente Gastusin sa Online Class Iba pang biglaang gastos Tuition Fee Pagkain Pamprosesong Tanong 1. Nagkasya ba ang ibinigay na pera ng iyong nanay sa loob ng dalawang linggo? Bakit? 2. Ano ang maaari mong gawin kapag nagkulang yung binadyet na pera? 3. Ano ang iyong naging batayan sa pagtatakda ng halaga? Sagutan ang Gawain 5 at 6 na makikita sa worksheets