Sagot :
Answer:
- KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIKWikang Filipino Sa Panahon ng Mga Espanyol Hanggang Kilusang Propaganda
- Ginamit ng mga Espanyol sa panulat ang alpabetong Romano bilang kapalit ng baybayin. Nagdulot ito ng mabilis na pagkatuto ng mga katutubo na bumasa’t sumulat sa mga wikain ng Pilipinas at sa Espanyol dahil na rin sa pagkakatatag ng ilang paaralang Katoliko sa Maynila, sa Visayas, at sa Luzon.
- Dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas noong 1521. Ang layunin nila’y hindi lamang pananakop bagkus mapalaganap ang Kristiyanismo sa mga unang Pilipino. Ito ang dahilan kung bakit kasama ng mga conquistador ang mga prayleng misyonerong dumating sa Pilipinas. Ang mga paring ito’y nag-aral ng mga wikain sa Pilipinas na naging daan ng mabilis na pagsakop sa puso’t isipan ng mga Pilipino. Ginamit ng mga Espanyol sa panulat ang alpabetong Romano bilang kapalit ng baybayin. Nagdulot ito ng mabilis na pagkatuto ng mga katutubo na bumasa’t sumulat sa mga wikain ng Pilipinas at sa Espanyol dahil na rin sa pagkakatatag ng ilang paaralang Katoliko sa Maynila, sa Visayas, at sa Luzon.