Panuto: Basahin at unawain ang katanungan Piliin ang titik ng tamang sagot 27. Ito ay ang maayos na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda. A. Tagpuan B. Banghay C. Tauhan 28. Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kaniyang suliranin. A. Resolusyon B. Pababang pangyayari C. Kasukdulan 29. Ito ay ang pook, lugar at panahon kung saan nangyari ang kabuoan ng alamat. Masasalamin ang kaangkupan ng paksa, banghay, at mga tauhang nagsisiganap sa akda. A. Banghay B. Tauhan C. Tagpuan 30. Dito nagaganap ang pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliraning kakaharapin. A. Papataas na Pangyayari B. Panimulang Pangyayari C. Kasukdulan 31. Sa kaniya umiikot ang kuwento mula sa simula hanggang wakas. A. Pantulong na tauhan B. Katunggaling tauhan C. Pangunahing tauhan 32. Isang kuwentong nagsasaad kung saan nanggaling o nagmula ang mga bagay-bagay. A. Mito B. Alamat C. Kuwentong-bayan