👤

GAWAIN 5. Pagpapayaman ng Nilalaman 1. Pumili ng isang pangyayari sa binasang kuwentong bayan at iugnay ito sa kaganapan sa inyong lugar o iba pang lugar ng bansa. Isulat ang iyong sagot sa espasyong nakalaan sa kasunod na speech balloon. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.​

GAWAIN 5 Pagpapayaman Ng Nilalaman 1 Pumili Ng Isang Pangyayari Sa Binasang Kuwentong Bayan At Iugnay Ito Sa Kaganapan Sa Inyong Lugar O Iba Pang Lugar Ng Bansa class=

Sagot :

Ang pinili kong kwentong-bayan ay Ang Punong Kawayan.

Ang kwentong-bayan na ito ay tungkol sa isang punong-kahoy na walang kabunga-bunga at walang maraming dahon. Hindi rin ito kataasan at hindi rin ito katabaan.

Isang araw, nagpayabangan ang mga puno sa isang bakuran ukol sa magaganda nilang katangian. Sinabi ng punong santol na mahal daw siya ng mga bata dahil sa hitik nitong mga bunga. Bukod daw doon ay matatamis pa ang mga ito. Sinabi naman ng punong mangga na siya daw ay may mayabong na mga sanga at mga dahon kaya naman ang mga ibon ay sa kanya na naninirahan. Bukod pa raw dito ay may matamis siyang bunga. Ang sabi naman ni punong niyog ay siya daw mataas at maraming malalaking bunga. Natutuwa daw sa kanya ang mga magsasaka at mga magkakahoy dahil ang bunga nito ay may tubig sa loob.

Pagkatapos nilang magsalita lahat ay tumingin sila sa punong kawayan at kanilang inalipusta ito. Sinabi nila na ang punong kawayan ay mababa at walang kabunga-bunga at walang mga mayayabong na dahon.

Narinig ng ulap ang kanilang usapan kaya naman nagalit ito sa kanilang mga sinabi. Umihip siya ng umihip ng napakalakas hanggang sa ang mga bunga at mga dahon nila maglaglagan. Natumba ang punong santol, ang punong mangga at ang punong niyog. Ang tanging natira lamang na nakatayo ng matikas ay ang punong kawayan na sumabay lamang sa napakalakas na ihip ng hangin.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin lamang ang link sa ibaba:

brainly.ph/question/18769183

brainly.ph/question/29280301

#SPJ1