👤

1. Magugutom si Tipaklong.
2. Bibigyan ni Langgam ng pagkain si Tipaklong.
3. Mamatay si Tipaklong.Si Langgam at si Tipaklong

si langgam at si tipaklong

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa
lamang ay gising na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Pagkatapos,
lumakad na siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil
ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay.
Nakita siya ni Tipaklong.
“Magandang umaga, kaibigang Langgam”, bati ni Tipaklong.“Kaybigat ng iyong dala. Bakit ba wala ka nang ginawa kundi ma-
ghanap at mag-ipon ng pagkain?"
"Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon”,
sagot ni Langgam.
“Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong,
“Habang maganda ang panahon tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay
lumukso, tayo ay kumanta."
“Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong”, sagot ni Langgam. "Gaya nang
sinabi ko sa iyo, habang maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng
pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay may makain pagsumama ang
panahon."
Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa
umaga, ulan sa hapon at sa gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang
panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang hangin kasabay ang
pagbuhos ng malakas na ulan,
Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong,
Naalaala nilang puntahan ang kaibigang si Langgam.
Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni
Langgam. Bahagya na siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng
masayahing si Tipaklong.
Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.
“Aba! Ang aking kaibigan”, wika ni Langgam. "Tuloy ka. Halika at
maupo."
Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Saka
mabilis na naghanda siya ng pagkain.
Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na
pagkain ang magkaibigan.
“Salamat, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Ngayon ako
naniwala sa iyo. Kailangan nga pa lang mag-ipon habang maganda
ang panahon at nang may makain pagdating ng taggutom.
Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at
habang maganda ang panahon ay kasama na siya ng kanyang
kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at natuto siyang
mag-impok.
72