Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito. Isulat ang letra ng sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ito ay nangangahulugang: A. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao. B. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya" binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao salahat ng bahagi nito. C. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito" binubuo ng lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao. D. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aaruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito" binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao. 2. Ang sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa: A. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad B. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ngiba. C. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito. D. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan. PIVOT 4A CALABARZON