Sagot :
Mitolohiya
Ang mitolohiya ay isang koleksyon ng mga alamat o kuwento tungkol sa isang partikular na tao, kultura, relihiyon, o anumang grupo na may mga ibinahaging paniniwala. Ang isang mitolohiya ay isang kuwento tungkol sa mga lumang panahon, madalas na nagtatampok ng mga sobrenatural na mga character, at mga alamat na may kaugnayan sa bawat isa. Ang mga mitolohiyang Griyego ay puno ng mga kwento tungkol sa mga ugnayan sa pagitan ng mga diyos at mga tao. Sinasabi na ang Kristiyanong mitolohiya ay ang kuwento tungkol sa paglikha ng Diyos sa Lupa.
Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: brainly.ph/question/313282
Mito:
Ang Mito ay Myth sa ingles. Ito ay isang uri ng kwento o salaysay na hingil sa pinagmulan ng sansinukuban, kwento ng tao, ang mahiwagang linikha at ang kalipunan ng iba't ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa.
Alamat:
Ang alamat ay ang mga haka-hakang kwentong bayan tungkol sa pinagmulan ng isang bayan. Mga haka hakang, palapalagay tungkol sa pinang-galingan ng isang bayan. Ang alamat ay mga kwentong bayan na isinasalin sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng bibig. Ang mga alamat ay kapupulutang ng mga aral. Ang mga kwentong ito ay nagsasalamin ng ating kultura.
Epiko:
Ang terminong Epiko ay isang mahabang tula mula sa makalumang paraan ng mga pananalita. Karaniwan nang ang tema ng Epiko ay makabayan o sa kasaysayan, maaaring kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay. Ang salitang Epiko ay nagmula sa salitang Griyego na "epos" na nangangahulugang awit. Sa ngayon, ito'y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.