👤

Gawain 2: Puso Ko, Naimpluwensyahan Mo!

Tukuyin sa binasang salaysay ang parirala na sa tingin mo ay nakapagbigay

sa iyo ng positibong impluwensiya sa sarili. Isulat ang sagot sa pusong graphics

organizer na nasa iyong sagutang papel.

Dumanas nang matinding pighati si Mang Berto sa pagkamatay ng

kanyang asawa kaya labis ang galit na kanyang naramdaman sa pumaslang nito.

Hindi naging madali ang pagharap ni Mang Berto sa nagkasala. Sa kabila ng

lahat nagawa pa rin nitong magpatawad dahil sa matibay na pananampalataya

ng kanyang pamilya.

Sa labis na karangyaan ay nawala sa tamang landas si Ernie. Naging

magulo ang kanyang relasyon sa pamilya, nalugi ang negosyo at nabaon sa

utang. Kung kanino lumapit at humingi ng tulong hanggang matulungan siya ng

kaibigan at pinayuhang magbalik-loob sa Panginoon.

Simula noon, araw-araw nang nakiisa si Ernie sa pagbabahagi ng salita ng

Diyos kasama ang kanyang asawang si Mely at mga anak. Tinuturuan din niya

ang tatlong anak na palaging manalangin at huwag makalilimot sa

pagpapasalamat sa buhay at mga biyayang binigay ng Diyos. Sinisikap din ni

Ernie na mailapit sa Diyos ang iba niyang kamag-anak at kaibigan.