👤

A. Lagyan ng salungguhit ang mga salitang ginagamit sa paghihinuha sa pangungusap.

1. Maaari na sanang maabutan ng matandang aso ang kuneho, ngunit siya ay naligaw.

2. Panginginig sa takot ang sa palagay ko’y maaring kahinatnan ng kuneho, kung siya ay naabutan ng matandang aso.

3. Napansin ng aso buhat sa malayo ang isang leon na tumatakbo papalapit sa kaniya na tila gutom na gutom.

4. Di malayong abutan ng matandang aso ang kuneho, kung hindi siya naligaw.

5. Baka sadyang iniligaw ang matandang aso, para makaligtas ang kuneho.

6. Siguro nakahinga ng maluwag ang kuneho nang maligaw ang matandang aso.

7. Sa tingin ng leon marami nang napatay ang matandang aso.

8. Ang ardilya ay natakot rin marahil, kaya nag-isip siya ng paraan para mailigtas ang sarili sa kapahamakan.

9. Hindi yata nasiyahan ang leon sa kaniyang narinig na sinabi ng aso tungkol sa ardilya.

10. Di malayong maaaring mapatay ng leon ang aso dahil sa laki ng kaniyang katawan.

(isulat nyo n lng po ung lilinyahan ko)​