A-PAGBIBIGAY NG EDUKASYON B - PAGGABAY SA PAGPAPASYA C-PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA 1. Social media ang naging dahilan kung bakit hindi nakapagtapos si Lita sa pag-aaral. 2. Ang pagkakaiba ng paniniwala ang nagtulak kay Jose na magduda sa kanyang pananampalataya. 3. Ang kahirapan ang nagtulak sa magkapatid na Charry at Cherry na maghanapbuhay sa murang edad. 4. Naging mabigat ang kalooban ni Arturo sa kapatid dahil sa pagsisinungaling nito. 5. Nasanay ang magkakapatid na walang ginagawa sa bahay, kaya't napakalaking hirap sa kanila ng mawala ang mga magulang. 6. Nagagalit si Ana sa kanyang kapatid kaya't agad nyang ipinahayag ang kanyang saloobin sa social media ng hindi mamn lang nag-iisip kung may masasaktan. 7. Dahil walang maipambili ng cellphone ang ina, pinahinto niya sa pag-aaral ang kanyang anak. 8. Abalang-abala ang mag-asawa sa paghahanapbuhay kung kaya't kahit Linggo ay hindi na sila nakaksimba pati na ang mga anak. 9. Sa kabila ng hirap sa buhay, patuloy pa ring nag-aaral si Mary kasabay ng pagtitinda ng gulay. 10. Matiyagang nagtutulungan sa pagsasagot ng modyul ang magkaibigan.