👤

Ang Kapuspalad Dahil sa kahirapan, magkasunod na namatay sa sakit na COVID19 ang ama at ina ni Marina. Labing-isang taon pa lamang siya at sa kanya naiwan ang pag-aaruga sa kanyang dalawang taong gulang na kapatid. Wala ni isang kamag- anak kumupkop sa kanila marahil dahil sa inakalang nahawa sila sa sakit ng kanilang yumaong mga magulang. Naging palaboy sa lansangan ang magkapatid. Araw-araw , makikitang pahabul-habol sila sa mga sasakyang humihinto upang makapanghingi ng limos. Nakasaklay kanyang likod ang kanyang batang kapatid. Ang pagpapalimos ang kanilang ikinabubuhay. Nakikituloy sila sa tahanan ng isang iskwater sa tabi ng riles ng tren. Nang mapaalis ang mga iskwater, tuluyan na silang nawalan ng matutuluyan. Sinubok ni Marina na pumasok na katulong ngunit wala ni isa mang tumanggap sa kanya dahil sa kapatid niyang alagain. Masakit man sa kalooban, inilagak niya sa bahay ampunan ang kanyang kapatid at ipinabahala na sa madre roon ang pag-aaruga rito.
Basahin at unawain ang mga katanungan at isulat sa sagutang papel ang sagot. 1. Ano ang katayuan sa buhay nina Marina? 2. Ano ang ikinamatay ng kanyang mga magulang? 3. Bakit walang kumukupkop sa kanila? 4. Saan namamalimos si Marina? 5. Saan naroon ang kanyang kapatid habang namamalimos si Marina? 6. Ano ang ninais pasuking ni Marina? 7. Bakit walang tumanggap sa kanya? 8. Ano ang ginawa ni Marina sa kanyang kapatid? 9. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Marina, ano ang iyong gagawin?​


Sagot :

Answer:

1.naging palaboy sila dahil Wala ni isang kamag anak ng magulang Nina marina ang nagkupkop sakanila

2.ang ikinamatay ng magulang Nina marina ay dahil sa COVID-19

3.dahil akala Nila baka nahawaan din sila ng sakit na ikinamatay ng magulang Nina marina

4.sa lansangan

5.nakasaklay sa kaniyang likod ang kaniyang batang kapatid

6.pinasok Niya ang pagiging katulong

7.dahil sa kapatid niyang alagain

8.masakit man sa kalooban ni marina inilagak Niya sa ampunan ang kaniyang batang kapatid at pinabahala sa Madre ang pag aaruga

9.pagsisikipan kung makahanap ng trabaho para sa ipapakain sa kapatid ko