Ano ang dapat gawin sa mga balitang napakinggan, patalastas na nabasa at narinig, mga programang napanood sa telebisyon at mga posts sa social media at internet upang mapahalagahan ang katotohanan ng isang pangyayari? Punan nang wastong salita ang bawat patlang para mabuo ang kaisipang ipinapahayag. Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon. Sa panahon ngayon marami na ang nagsisilabasang fake news, kaya dapat nating (1) __________ nang mabuti ang ating nababasa, nakikita o naririnig sa pamamagitan nang (2) __________ sa mga (3) __________ na pinagmulan ng mga impormasyon.