Sagot :
Pag-aaral ng Heograpiya
Ang heograpiya ay isang larangan ng agham kung saan pinag-aaralan ang pisikal na kaanyuan ng daigdig. Kasama sa mga pinag-aaralan ang mga lupain at mga katangian nito, ang mga naninirahan dito, pati na rin ang mga kakaibang bagay na matatagpuan lamang sa daigdig. Narito ang ilan pang pinag-aaralan sa heograpiya:
Anyong lupa
Anyong tubig
Likas na yaman
Klima at panahon
Flora at Fauna
Distribusyon at interaksyon ng tao
Explanation:
Ang heograpiya ay galing sa dalawang salitang Griyego (geo+grafia) na ang ibig sabihin ay ang paglalarawan sa daigdig.
Magandang pag-aralan ang heograpiya sapagkat maraming kaalaman ang maaari nitong ibahagi. Kalimitang ginagamit ang agham ng heograpiya sa paggawa ng mga panibagong mapa kung saan nakapaloob ang iba’t-ibang uri ng data na makakatulong sa pamahalaan upang mas maisaayos pa ang kanilang pagsisilbi sa mga mamamayan.