Sagot :
Answer:
ang kaalaman ay kapangyarihan sapagkat kaya ka nitong ipanalo sa iba’t ibang laban sa buhay na tila isang makapangyarihang sandata.
Sa pamamagitan kasi ng mga kaalaman at impormasyon, magagawan mo ng solusyon ang napakaraming mga problema.
Ang mga problemang ito ay kinakailangan lamang ng diskarte na magagawa kung may sapat na kaalaman.
Ang kaalaman ay magiging sandata rin sa oras na maghanap na ng trabaho ang isang tao dahil ang hanapbuhay ay maituturing din na isang laban na kailangan ng “kapangyarihan” upang mapagtagumpayan.