BUOD
Si Prinsipe Bantugan ay kilalang isang magiting at matapang na mandirigma sa
epikong-bayang Darangan ng mga Maranaw. Siya ay kilala sa kaniyang kahariang
Bumbaran dahil sa mga naipanalo niyang mga digmaan at mga labanan.
Sagisag ng tapang at kakisigan, si Prinsipe Bantugan kaya't siya ay sikat na sikat
sa kanilang kahariang Bumbaran lalong-lalo na sa mga kadalagahan. Sinasabing
naligawan na ng Prinsipe ang limampung (50) pinakamagandang Prinsesa sa buong
mundo. Dahil dito, lubhang naiinggit sa kaniya ang mas nakatatanda niyang kapatid
na si Haring Madali, Ipinagbawal ni Madali na kausapin ng kahit sino ang kaniyang
kapatid.
Sa labis na kalungkutan na naramdaman, umalis ng kanilang kaharian si Prinsipe
Bantugan hanggang nagkasakit at namatay malapit sa kaharian ng Lupaing nasa
Pagitan ng Dalawang Dagat
. Nakita ng hari at ni Prinsesa Datimbang ang katawan
ni Bantugan at agad inilapit ang kanilang balita sa pulong ng mga tagapayo. Isang
loro ang pumasok at sinabi kung sino at kung saan galing ang namatay na dakilang
manlalakbay
Nang mabalitaan ito ni Haring Madali, binawi niya ang kaluluwa ng kapatid sa
langit upang maibalik sa katawan ni Prinsipe Bantugan. Kumalat ang balita ng
kaniyang pagkabuhay hanggang sa kanilang kaaway na kaharian na pinaghaharian
ni Haring Miskoyaw. Sinugod ng kawal ni Miskoyaw ang Bumbaran at nabihag si
Prinsipe Bantugan na may nanghihina pang pangangatawan.
Nang magbalik ang kanyang lakas, pinuksa niya ang hukbo ng kaaway na hari
at iniligtas ang buong kaharian ng Bumbaran. Nagkaroon sila ng malaking
pagdiriwang at nawala na ang inggit sa puso ng kanyang kapatid na si Haring Madali.
Kaya't sila ay masayang namuhay sa kaharian ng Bumbaran, si Prinsipe Bantugan
kasama ng mga pinakasalan niyang prinsesa.
![BUODSi Prinsipe Bantugan Ay Kilalang Isang Magiting At Matapang Na Mandirigma Saepikongbayang Darangan Ng Mga Maranaw Siya Ay Kilala Sa Kaniyang KahariangBumbar class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d7c/3d47cf7089ec7ce5692d6609ca12b532.jpg)