👤

1. Ano ang tawag sa karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon.
A. Anyong Lupa C. Anyong Tubig
B. Klima D. Vegetation Cover

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya.
A. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba- ibang uri ng anyong lupa:tangway, kalupaan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto, at kabundukan.
C. Taglay ng Asya ay napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong halamanan.
D. Ang iba- ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.


3.Isang katangiang pisikal ng kapaligiran sa hilaga o gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grassland. Tinatayang ang sangkapat (1/4) ng kalupaan sa mundo ay ganito ang uri. Alin sa mga uri ng grassland ang may damuhang may ugat na mababaw o shallow-rooted short grasses. May matatagpuan nito sa Mongolia, Manchuria at Ordos Desert sa Silangang Asya.
A. Prairie B. Savanna C. Steppe D. Tundra

4. Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo ilalarawan at bibigyang interpretasyon ang kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
A. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho.
B. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
C. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
D. Insular ang malaking bahagi ng kontinente ng Asya.

5. Tawag sa bundok na may butas sa pinakatuktok na nilalabasan ng maiinit na bato, lava, putik, lahar at abo.
A. Bulkan B. Bulubundukin C. Bundok D. Burol

6. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t-ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
A. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.
B. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na
nababalutan ng yelo.
C. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa
iba’t-ibang buwan sa loob ng isang taon.
D. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.




7. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa, at angmga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, ang Indus sa India at ang Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampaning ito?
A. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang
kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig.
B. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay
naganap sa mga ilog na ito.
C. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mga
ilog na ito sa tuwing may nagaganap na mga pagbaha.
D. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabas ng
bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan.

8. Ito ang tawag sa dami ng halaman na tumutubo sa isang lugar.
A. Anyong Lupa C. Anyong Tubig
B. Klima D. Vegetation Cover

9. Ang pinakamalalim na lawa sa buong mundo.
A. Aral Sea B. Baikal C. Caspian D. Dead Sea

10. Uri ng klima sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
A. Mahalumigmig ang klima C. Sentral Kontinental
B. Monsoon Climate D. Tropikal