May krisis man o wala, bahagi na yata ng buhay natin ang mga imbentong balita na kung tawagin ay fake news. Marahil, likas sa maraming tao kahit saan ang pagkahaling sa mga tsismis.
Kung minsan naman, kapag may mga kontrobersyal na pangyayari at mukhang nagpapatupad ng news blackout ang pamahalaan, ang tao ay madaling maniwala sa mga walang katotohanang balita. Para bang isang taong ginutom mo ng ilang araw, pagkatapos hahainan mo ng kahit panis na pagkain at ito’y susunggaban.
Ngunit sa panahon ng krisis tulad ngayon, dapat tayong maging mapanuri at hindi kara-karakang bibilhin ang balita at paniniwalaang totoo. Ngayong may COVID-19 crisis, manalig lamang tayo sa sinasabi ng mga awtoridad ng pamahalaan tulad ng Department of Health na espesyalista sa mga bagay na pangkalusugan.
Sa bagong batas na nilagdaan nung isang gabi ng Pangulo na nagbibigay sa kanya ng special authority, mas pinabigat na ang parusa sa mga tsismis na nagkakalat ng pekeng balita sa social media. Ewan lang kung matatakot ang mga taong nakagawian nang maghasik ng gawa-gawang balita.
Sa panahong ito ng krisis, we need to be selective and discerning of all informations that come our way. While the government is poised to impose hard penalties to conveyors of wrong information, fake news are all over the cyberspace. The most gullible of readers are vulnerable to be deceived.
Minsan, nakalilibang basahin ang mga imbentong balita. May napanood akong dalawang video blog sa You Tube. Ang isa ay nagsasabing “biological warefare ng USA ang COVID-19 at ang isa naman ay nagsasabing kagagawan ito ng China. Okay lang sigurong maaliw sa ganitong hindi beripikadong alegasyon basta’t huwag lang basta-basta maniniwala. Wika nga, para ka lang nanood ng science fiction na pelikula.
Kung ikaw naman ay isang taong madaling mapaniwala, ang ganyan mga fake news ay maaaring magdulot ng ligalig sa iyong isip. Ano nga ba ang balita na dapat paniwalaan? Nakakagulo ng isip! Puwes, mas makabubuting huwag na lang makinig o manood ng ganyang uri ng impormasyon.
Sa ngayon, isang bagay lang ang dapat paniwalaan. Mayroong krisis dulot ng COVID-19. Saan man nagmula ito, kagagawan man ng kalikasan o ng tao, gumawa tayo ng karampatang pag-iingat.
May krisis man o wala, bahagi na yata ng buhay natin- ang mga imbentong balita na kung tawagin ay fake news. Marahil, likas sa maraming tao kahit saan ang pagkahaling sa mga 1) _____________ . Kung minsan naman, kapag may mga kontrobersyal na pangyayari at mukhang nagpapatupad ng news blackout ang 2) _____________, ang tao ay madaling maniwala sa mga walang katotohanang balita. Para bang isang taong ginutom mo ng ilang araw, pagkatapos hahainan mo ng kahit 3) ________ na pagkain at ito’y susunggaban. Ngunit sa panahon ng 4) ________ tulad ngayon, dapat tayong- maging mapanuri at hindi 5) ___________ bibilhin ang balita at paniniwalaang totoo. Ngayong may COVID-19 crisis, manalig lamang tayo sa 6) ___________ ng mga awtoridad ng pamahalaan tulad ng Department of Health na espesyalista sa mga bagay na pangkalusugan.
Sa bagong batas na nilagdaan nung isang gabi ng Pangulo na nagbibigay sa kaniya ng special authority, mas pinabigat na ang parusa sa mga tsismis na nagkakalat ng pekeng 7) _______ sa social media. Ewan lang kung matatakot ang mga taong nakagawian nang maghasik ng gawa-gawang balita.
Sa panahong ito ng krisis, we need to be selective and discerning of all informations that come our way. While the government is poised to impose hard penalties to conve-yors of wrong information, fake news are all over the cyber-space. The most gullible of readers are vulnerable- to be deceived.
Minsan, nakalilibang basahin ang mga imbentong balita. May napanood akong dalawang video blog sa You Tube. Ang isa ay nagsasabing “biological warefare ng USA ang COVID-19 at ang isa naman ay nagsasabing 8) ________ ito ng China. Okay lang sigurong 9) _________ sa ganitong hindi beripikadong alegasyon basta’t huwag lang basta-basta maniniwala. Wika nga, para ka lang nanood ng science fiction na pelikula. Kung ikaw naman ay isang taong madaling mapaniwala, ang ganyang mga fake news ay maaaring 10) ______________ sa iyong isip. Ano nga ba ang balita na dapat paniwalaan? Nakagugulo ng isip! Puwes, mas makabubuting huwag na lang makinig o manood ng ganyang uri ng impormasyon.
hanapin kung ano ang Payak ,Maylapi, Inuulit, Tambalan