Sagot :
Answer:
Pinuno at mga Mamamayan
Sagot:
Ugnayan ng Pinuno sa Mamamayan:
Ang pinuno at ang kaniyang mga taong pinamumunuan ay dapat na may matibay na koneksyon. Sapagkat, ang bawat desisyon at mga programang ipinapatupad para sa benepisyo ng bawat tao ay dapat na naangkop sa kanilang partikular na pangangailangan at hindi basta-basta. Ugnayang nagpapatibay sa batas at karapatang pantao, mabisang pakikipag-ugnayan. Ang isang pinuno ay hindi lang dapat nasa mataas na pusisyon dahil sa kaniyang kayamanan kundi dahil dapat sa boto ng tao o nasa pabor ng mga tao.
Mabuting ugnayan tulad ng:
Patuloy na pakikisalamuha sa mga mamamayan
Pagpapaplanong may kaakibat na opinyon ng mga tao
Pag-uulat kung ano ang mga nagawa at gagawin pa
Ugnayan sa pagitan ng Mamamayan sa kapwa Mamamayan:
Kung ugnayan naman ng mga mamamayan sa kapwa, halos kapareho din ng sa pinuno. Hindi dapat minamaliit ang tamang komunikasyon, lalo’t kung sa pagitan ng mga kapwa tao. Dahil:
Pareho sila ng pag-iisip/pananaw ukol sa partikular na sitwasyon
Malapit ang kanilang lokasyon
Mas marami silang maitutulong para sa kapwa mamamayan
Kung ihahalintulad sa pinuno mas madaming pagkakataong makipag-ugnayan ang mga kapwa mamamayan sa isa’t isa. Pareho ng pag-iisip dahil sila mismo ang nakakaranas ng mga sitwasyong nakakaapekto sa kanilang pamumuhay. Mas makakapag-bigay sila ng opinyon base sa sariling karanasan, mas makakapag-ambag sila dahil sila mismo ang nakatira sa mga lugar.