Sina Bryan at Romeo ay magkakapitbahay. Malimit gabi na kung umuwi si Bryan sapagkat siya ay nagtatrabaho sa malayong lugar. Pagod at puyat siya pag-uwi at nais na niyang makapagpahinga. Subalit hindi naman niya magawa dahilan sa sobrang ingay sa kalapit bahay. Ito ay mula sa malakas na tunog ng vidioke o kantahan at sa hiyawan ng mga nag-iinuman sa bahay ni Romeo. Ang ganitong sitwasyon ay parang hindi na mapapalampas ni Bryan. Lumabas siya ng kwarto dala-dala ang kanyang itak. Ngunit pinigilan siya ng kanyang asawa at ipinaalala ang maaaring kahinatnan ng kanyang gagawin. Biglang napaupo si Bryan, tiningnan ang kanyang natutulog na mga anak. Napaisip siya't dagling ibinalik ang itak at niyakap ang asawa at ang natutulog na mga anak.
1) Ano ang nilalaman ng kwento? 2) Sino-sino ang mga tauhan sa kwento? 3) Bakit galit na galit si Bryan sa kanyang kapitbahay? 4)Ano ang katangian na ipinakita ni bryan? 5)Kung ikaw si Bryan, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? bakit? 6) bakit mahalaga ang pagkamahinahon sa buhay ng isang tao? ipaliwanag