Malayang Gawain 2 Hanapin at salungguhitan ang mga panghalip na nakatala sa sanaysay. “Makabagong Bayani” Ako ay lubos na humahanga sa ating mga frontliners, para sa akin sila ang makabagong bayani ng ating henerasyon. At ako ay hindi magsasawang sambitin ang “Maraming Salamat sa inyong Aksyon”. Sa kabila ng ating sitwasyon hindi nila alintana ang kapahamakan makapaglingkod lamang sa ating bayan at sundin ang kanilang sinumpaang tungkulin. Kaya naman bawat araw ganoon na lamang ang pag-aalala ko sa kanilang kalagayan. Subalit ano nga ba ang magagawa ng isang katulad ko? Ito ang munting tanong na nabuo sa aking isipan. Marahil kayo din ay nagtatanong sa inyong mga sarili. Ako ay tumingala at ang kasagutan ay aking nasumpungan. Isang panalangin ang higit nilang kailangan, nawa ang gabay, proteksyon at patnubay ng ating Panginoon ay laging mapasa kanila.
![Malayang Gawain 2 Hanapin At Salungguhitan Ang Mga Panghalip Na Nakatala Sa Sanaysay Makabagong Bayani Ako Ay Lubos Na Humahanga Sa Ating Mga Frontliners Para S class=](https://ph-static.z-dn.net/files/dfc/ff3f2f8d5fd57c7d60409a0ee1555a3e.jpg)