👤

anong kultura ng taga singapore ang masasalamin sa kuwento​

Sagot :

Answer:

Ang kuwentong Ang Ama ay sumasalamin sa ilang kultura ng mga taga-Singapore. Makikita sa kuwento ang pagmamahal ng mga bata sa kanilang magulang kahit ano pa man ang pakikitungo ng mga ito sa kanila.

Bilang Asyano, ang pagpapahalaga sa pamilya pa rin ang nauuna kahit anuman ang sitwasyon. Ikalawa, makikita rin sa kuwento ang paggalang ng pamilya sa mga yumao.

Paniniwala ng mga Asyano, kabilang ang mga Singaporean na ang pag-aalay sa mga yumao, kahit hindi na nila ito nakikita o mahahawakan, ay magbibigay ng kaligayahan sa namalaam na.

Ang pagdalaw din nang madalas sa puntod ng mga ito ay indikasyon din ng pagiging mapagmahal ng mga Singaporean sa kanilang pamilya.

Explanation: