👤

27. Ano ang tulong na ibinigay ng Estados Unidos para sa rehabilitasyon ng Pilipinas?
A Binigyan ng Parity Rights ang mga Amerikano.
B. Nagsikap na makipag-ugnayan sa bansang Hapon.
C. Nagtatag ng programang naglalayong mapalaki ang produksyon.
Pinautang ng Estados Unidos ang Pilipinas sa halagang $60,000,000
Estados Unidos sa
iar


Sagot :

Explanation:

Ang Bell Trade Act of 1946 o Philippine Trade Act ang aktong ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos na naglalatag ng mga kondisyon para sa mga kaugnayang pang-ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagkakamit ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos na nangyari noong 4 Hulyo 1946.

Ang Kongreso ng Estados Unidos ay nag-alok ng $800 milyon para sa muling pagtatayo ng Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung ang parity clause at Bell Trade Act ay pagtitibayin ng Kongreso ng Pilipinas na pinagtibay nito noong 2 Hulyo 1946. Kabilang sa mga tadhana nito ang mga preperensiyal na taripa sa susunod na 20 taon, pagtatakda ng mga quota sa mga iniluluwas ng Pilipinas sa Estados Unidos, malayang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas sa 8 taon, pagtatakda na ang dalawang piso ay katumbas ng isang dolyar,[1] ang pamahalaan ng Pilipinas ay obligadong maglagay ng mga restriksiyon sa paglilipat ng salapi mula Pilipinas tungo sa Estados Unidos, isang parity clause na nagbibigay sa mga mamamayan ng Estados Unidos ng pantay na karapatan gaya sa mga Pilipino sa paggamit o pagkuha ng mga mineral, kagubatan at iba pang mga natural na mapagkukunan ng Pilipinas.

Ang parity clause ay nangangailangan ng amiyenda sa ika-13 artikulo ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 na nagrereserba lamang para sa mga Pilipino sa paggamit ng mga natural na mapagkukunan ng Pilipinas. Ang amiyenda ay matatamo lamang sa pagpapatibay ng 3/4 ng mga kasapi ng Kapulung