👤

tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Mahusay na kamay Akda ni Cristina T. Fangon Hilig ni Jowen ang gumuhit. Gumuguhit siya ng puno, tao, hayop at kung ano-ano pang nakikita niya sa kaniyang paligid. Batid niyang magaling siya. Sa mga paligsahan siya ay laging nangunguna. Gayunman, lagi niyang sinasanay ang kaniyang kakayahan dahil lagi niyang naaalala ang sinasabi ng kaniyang ina, "Kung hindi mo pauunlarin ang iyong talento ay mawawala iyan sa iyo." Sa tuwing naiisip niya, lalo niyang pinaghuhusay ang kaniyang ginagawa. 1. Ano ang iba pang tawag sa pagguhit? A.pagkulay B. pagpinta C. pag-drawing 2. Magiging magaling kaya si Jowen sa pagguhit kung hindi siya nagsasanay? A. opo B. hindi po C. ewan po 3. Anong katangian ang mayroon si Jowen? A. Masipag B. matiyaga C. mabait 4. Sino ang laging naaalala ni Jowen kaya pinagbubuti niya ang kaniyang ginagawa? A. nanay B. tatay C. lola 5. Ano ang ibig sabihin ng pamagat sa ating kuwentong "Mahusay na kamay"? A. magaling makipaglaban B. magaling maglaba C. magaling gumuhit​