👤

Nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa tamang kahulugan​

Sagot :

Answer:

Simple lamang ang kahulugan ng kasabihang ito. Ito’y nagsasabi na ang ating Diyos ay nagbabantay at gumagabay palagi sa atin. Pero, hindi lamang tayo dapat umasa sa diyos upang magawa ang ating mga gusto. Kaya, “nasa tao ang gawa”.

Ang kahulugan ng “nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa” ay ito: ang Diyos ay maawain pero kinakailangan pa rin na magsumikap ang mga tao. Kahit na makapangyarihan ang ating Diyos, hindi ito nangangahulugan na maaari nang magsa-walang bahala lamang ang mga tao. Upang makamit ang tagumpay, kailangan ng mga tao ang pananalig sa ating Diyos at kasipagan sa buhay.