Sa mga sumusunod na pangungusap, isulat ang kasunod na pangyayari ayon sa nabasa mong pabula. 1. Lumalangoy-langoy si Gigi sa dagat habang naghahanap ng mga sagot sa katanungan na ibinigay ng kaniyang guro sa klase. 2. “Pumunta ka sa aklatan sa Bahurang Bughaw. Naroon ang sagot. Malaki ang maitutulong ni Ginoong Alimango sa’yo,” wika ni Kuya Lapulapu na sinang-ayunan naman agad ni Ate Imelda. 3. “Nais ko po sanang malaman ang lawak ng karagatan at ang pinakamalalim na bahagi nito,” wika ni Gigi. “Iyon lang ba? Halika, samahan mo ako sa loob at kunin natin ang Libro ng Karagatan,” wika ni Ginoong Alimango.
1.Marami-rami na rin ang mga tanong ng guro kahit na halos wala pang isang buwan nang magsimula ang klase sa Paaralan ng Pulang Bahura.
2. “Subalit tanghaling-tapat na! Baka hanapin ka ng iyong ina,” pahabol pa ni Ate Imelda.
3.Nang makuha na ang libro, nakita na ni Gigi ang sagot. Nakuha na niya ang sagot sa kaniyang tanong. “Maraming maraming salamat po, Ginoong Alimango! Ibabahagi ko ang kaalaman sa aking mga
kasamahan at kakilala sa aming lugar,” wika ng isda.