👤

paraan ng paglutas ng pamahalaan sa solid waste​

Sagot :

Answer:

Marami ang mga karapat-dapat na gawin upang malutas ang problema sa basura. Una na rito ang tinatawag na “Segregation” o paghihiwalay ng mga nabubulok sa hindi nabubulok. Ang mga nabubulok ay kadalasang balat ng prutas, balat ng gulay at marami pang iba. Pwede pa rin itong pakinabangan sa pamamagitan ng pagpapakain sa hayop o kaning baboy. Ang mga hindi nabubulok ay malaki ang pakinabang. Ito ay pwedeng ipunin at ibenta, tulad ng mga bote, mga plastic na gamit na, mga sirang cellphone na pwedeng irecycle at iba pa. Sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan malaki ang tulong at kabawasan sa ating suliranin sa basura. Dahil kung nakakalat lang magiging sanhi ito ng pagbaha. pagkakasakit dahil sa maruming kapaligiran. Ang mga basurang pinabayaan sa paligid ay malaking pinsala sa ating kalusugan. Marami ang maapektuhan lalo na sa pamumuhay kung halimbawang mangyari ang biglaang pagbaha ng hindi inaasahan .

Explanation:

Dapat nating alagaan at mahalin ang ating kapaligiran dahil tayo rin naman ang higit na mahihirapan at maaapektuhan sa kapabayaan. Basura ay ayusin para na rin sa ating kapakanan. Maging maayos, at tayo mismo ang manguna sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating nasasakupan. Tandaan babalik sa iyo ang kalat na itinapon mo. Ang gawang mabuti ay nagbubunga ng mabuti. Bakit pa tayo gagawa ng masama na pagsisisihan din natin sa bandang huli?.Kilos na , simulan ang isang magandang umaga na puno ng sigla, maaliwalas ,malinis at kaaya-aya sa ating mata. Bawat isa ay kumilos at maging halimbawa sa paglutas sa matagal ng suliranin sa basura.

#CARRY ON LEARNING

Go Training: Other Questions