👤

a: don SUMMATIVE TEST WZ SA ARALING PANLIPUNAN 9 ARALIN 2 Panuto: isulat ang salitang TSEK kung wasto ang inilalahad ng pahayag. Kung mali isulat ang EKIS.

1. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa suliranin ng kakapusan at episyenteng maipamahagi at magamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa.

2. Ang sistemang pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat na pangunahing katanungang pang- ekonomika

3. Bawat bansa ay may sariling sistemang pang-ekonomiya na nagsisilbing gabay sa mga gawaing pangkabuhayan nito.

4. Mas maunlad ang mga bansang nasa ilalim ng market economy kaysa sa iba pang sistemang pang- ekonomiva.
5. Ang kakapusan ay permanenteng kondisyon,

6. Ang kakulangan ay pansamantalang kondisyon lamang.

7. Ang kakapusan ay hindi lamang suliraning pang-ekonomiya kundi isa ring suliraning panlipunan.

8. Ang efficiency ay isa sa solusyon mga sa kakapusan.

9. Tinatawag na alokasyon ang mekanismo ng paggamit ng mga likas na yaman ng bansa.

10. Dahil pinapayagan ang pribadong pagmamay-ari sa market economy, hindi na pinanghihimasukan ng pamahalaan ang lahat ng gawain at desisyong pang-ekonomiya.

11. Ang mixed economy ay may katangian ng pinagsamang market at command economy.

12. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibo at sentralisadong control at regulasyon ng pamahalaan.

13. Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser sa market economy.

14. Sa traditional economy, ang anumang produktong malilikha ay ipamamahagi ayon sa kagustuhan ng namumuno.

15. Mixed economy ang sistemang pang-ekonomiya ng Pilipinas.​