Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahing mabuti ang talata. Hun any mga pangngalan at panghalip na makikita sa talatang babasahin. Gawin ito sa inyong sagutang papel. Si Mang Ambo ay isang magsasaka. Malawak ang lupaing minana niya sa kanyang mga magulang. Kaya katulong niya ang kanyang pamilya sa pagtatanim ng mga prutas at gulay. Mayroon din silang mga alagang hayop dito. Tuwing pista o kahit anong okasyon ay hindi na sila bumibili ng mga sangkap sa lulutuin. Pumipitas na lamang sila ng mga gulay sa kanil- ang taniman. Gayundin ang karneng baboy at manok. Maging ang kanilang mga kapitbahay ay natutulungan din nila. Hindi nila ipinagkakaitan ng tulong ang mga ito. 1 Masaya ang mag-anak sa simpleng buhay na mayroon sila. Siya at ang buo niyang pamilya ay nagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa pagkakaloob ng mga biyaya. 1 1 1 e Pangngalan Panghalip