👤

mga pangyayari sa kwentong ang matalinong haring si solomon

plsss need ko sagot ngayon​


Sagot :

Answer:

paki brainliest po kung tama po yung answer ko thanks me later

Explanation:

ANG MATALINONG HARING SI SOLOMON

Nang si Haring David ay matanda na, ang kanyang anak na si Solomon ang ginawa niyang hari sa buong bayan ng Israel.

Bago siya namatay, sinabi niya kay Solomon "Malapit na akong mamatay. Magtiwala ka sa Diyos at sundin ang Kanyang mga kautusan, at ikaw ay pagpapalain Niya."

Tinandaan ni Haring Solomon ang mga tinuro sa kanya ng kanyang amang si David. Minahal niya ang Diyos at kanyang sinikap na gawin ang mga kautusan ng Panginoon. Madalas siyang naparoon sa toldang simbahan upang maghandog sa Diyos.

Isang gabi, kinausap ng Diyos si Solomon sa panaginip. Kanyang sinabi, "Hingin mo kung ano ang iyong nais at ibibigay Ko saiyo." Maaari sanang hingin ni Solomon na siya'y pagkalooban ng mahabang buhay o kaya'y malaking kayamanan. Ngunit hindi gayon ang hiniling niya sa Diyos.

Sa halip ay sinabi niya, "Panginoon, ako'y ginawa mong hari sa isang napakalaking bayan. Hindi ko nalalaman kung paano ko pangangalagaan ang gayong napakaraming tao. Ako'y napakabata pa. Bigyan Mo po ako ng katalinuhan upang mapamahalaan kong mabuti ang Iyong bayan."

Nalugod ang Diyos sa panalangin ni Solomon. "Sapagkat hiningi mo ang bagay na ito, at hindi mahabang buhay o kayamanan man, bibigyan Kita ng katalinuhan. Magiging matalino ka nang higit kaysa sa sinumang hari. At pagkakalooban din kita ng kayamanan at katanyagan. Kung susundin mo ang aking mga utos bibigyan din kita ng mahabang buhay." Nang magising si Solomon, siya'y nagbalik sa kanyang tahanan sa Jerusalem at pinasalamatan ang Diyos dahil sa Kanyang pangako.

Ang pangako ng Diyos kay Solomon ay nagkatotoo. Si Solomon ay naging isang dakilang Hari. Pinamahalaan niyang mabuti ang kanyang bayan. Sa buong panahon ng kanyang buhay ay hindi nagkaroon ng digmaan. Maraming tao mula sa ibat ibang panig ng daigdig ang naparoon upang makita at marinig ang katalinuhan ni Solomon. Walang sinumang taong naging matalino pa kay Haring Solomon.