👤

alin ang naging salik sa pagsulong ng misyonalismong pilipino​

Sagot :

Answer:

Mga Salik sa Pag-usbong ng Damdaming Nasyonalismong Pilipino

Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa pagmamahal sa sariling bansa. Ito ang pagkakaroon ng adhika upang mapabuti ang sariling Inang Bayan. Narito ang mga salik na nag-usbong ng nasyonalismong Pilipino:

Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakan

Paglitaw ng Panggitnang Uri ng Lipunan

Pagsibol ng Kaisipang Liberal

Patuloy na Pagmamalabis ng mga Kastila

Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakan

Maraming Pilipino ang nakapunta sa ibang bansa at namulat sa sariling kalagayan ng bansa. Natutunan ng mga Pilipino ang makisalamuha sa ibang dayuhan. Dahil dito ay sumigla ang kalakalan sa Maynila at naganyak ang halos lahat ng uri ng tao sa pangangalakal.

Paglitaw ng Panggitnang Uri ng Lipunan

Bunga ng kalagayan sa buhay ng mga Pilipino, kinalaban nila ang mga Espanyol at prayle upang humiling ng pagbabago. Ang mga pamilyang may kaya ay ipinadala ang kanilang mga anak sa Espanya at iba pang bansa upang mag-aral. Sila ang bumuo ng ilustrado na siyang nagsimula ng pagbabago. Para sa nasyonalismo, pinagtanggol nila ang karapatan ng mga Pilipino.

Pagsibol ng Kaisipang Liberal

Ang madalas na pagpunta ng mga dayuhan sa bansa dala ang kanilang kaisipang liberal tulad ng kalayaan, kapayapaan, pagkakapantay-pantay ang isa sa mga salik ng pag-usbong ng nasyonalismo sa Pilipino. Tumanim ang mga kaisipang ito sa isipan ng mga Pilipino.

Patuloy na Pagmamalabis ng mga Kastila

Ang malupit na pamamahala ng mga Kastila o Espanyol ang gumising sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.

Explanation:

Credits(^-^)