👤

Noong nakaraang taon, naipamalas mo ang pag-unawa sa mga konsepto
tungkol sa lipunan at paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng
kurso o hanapbuhay na magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kanya
at sa lipunan. Tagumpay mong natapos ang isang bahagi ng buhay mag-aaral.
Sa pagtungtong mo sa ikasampung baitang, layon ng asignaturang
Edukasyon sa Pagpapakatao na tulungan kang maipamalas ang pag-unawa sa
mga konsepto tungkol sa pagkatao ng tao, makataong kilos, pagpapahalagang
moral at mga isyung moral. Tuturuan kang magpasya at kumilos nang may
preperensya sa kabutihan upang maging matatag sa gitna ng mga isyung moral at
impluwensya ng kapaligiran.
"Abang gugenio?
Tutulungan kita."
Balandi kabigan!
"Oh, diba kaya mo!
Sa una hanggang ikalawang linggo ng iyong pag-aaral, ipauunawa sa iyo
ang konsepto at kahalagahan ng paggamit ng isip at kilos-loob bilang tao.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang a) natutukoy mo ang mataas na
gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob, b) nakikilala mo ang iyong mga kahinaan
sa pagpapasya at nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan
ang mga ito, c) napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang
sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod at pagmamahal. Sa huli,
hangad nitong nakagagawa ka ng mga angkop na kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal.
PIVOT 4A CALABARZON