Sagot :
Answer:
Ang 'isyung personal' ay mga bagay-bagay na tanging ang isang indibidwal lamang ang makalulutas para sa kanyang sarili. Ito ay isang bagay na tanging ang indibidwal na mayroong isyu ang maaapektuhan.
Samantalang ang 'isyung panlipunan' naman, ay isang uri ng isyu na nakakaapekto sa buong pamayanan sa isang lipunan. Ang mga lider ng lipunan ay kailangang mag-isip ng solusyon upang ito ay malutas at ang solusyon na ito ay ipaaalam sa mga nasasakupan.
Mayroon ding pagkakatulad ang dalawang uri ng isyu na ito ay nararapat na ang mga isyung ito ay lutasin ng mga taong naapektuhan nito. Ang lipunan ay binubuo ng mga lider at mamamayan. Kung sila man ay may isyung personal, maari nila itong pag-usapan kasama ibang mamamayan o lider na makakapagbigay sa kanila ng solusyon. At kung may isyu sa lipunan, maaring lipunin ng mga lider ng lipunan ang mga mamamayan upang ito ay malutas.