Sagot :
Answer:
Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang sinasalita at tinatangkilik bilang pagmamahal at katapatan sa kanyang bansang pinagmulan. Subalit walang bansang hindi naiinpluwensyahan ng mga dayo kung ang pag-uusapan ay ang wika. Sa pagdaan ng maraming taon, ang sariling wika ay nananatili subalit nadadagdagan ang ating kaalaman sa pagsasalita ng ibang wika dulot ng pagdayo ng mga banyaga. Dito nagkakaroon ang bawat tao ng kakayahang makapagsalita ng dalawang wika, bagaman hindi batayan ng katalinuhan ang pagiging bilingual o multilingual, ito nama'y makakatulong sa paglutas ng problema sa komunikasyon sa mga dayuhan na kung tawagin ay "language barrier". Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kakayahang makapagsalita ng dalawa o higit pang wika ng isang tao, makakatulong siya upang maging tulay sa pagitan ng dalawang magkausap na hindi magkaunawaan sa wikang ginagamit ng bawat isa.
Arigato my friend! May the good Lord shower you and your family a bountiful blessings. Ti amo! Merci to you!