Basahin at unawain ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Bisyo ng pangunahing tauhan. A. Bawal na gamot B. Pag-inom ng alak C. Sabong D. Sugal 2. Kailangang makahanap siya ng paraan para ipatikim sa dalawang taong iyon ang sakit at kirot na dinaranas niya. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag sa itaas? A. Makapaghiganti B. Maging payapa C. Matulong D. Umiyak 3. Tanging si Saproe Khai lang ang nangangahas na magbaba ng sarili at tumulong kay Fak. Sa kabila ng kalupitan ng mundo si Saproe Khai ay sumisimbolo bilang __ A. Nagpapakitang-tao upang makakuha ng papuri sa mga kababayan. B. May sariling interes kaya tumutulong sa kapwa. C. May bukal na pusong tumulong sa kapwa kahit ano pang kalagayan nito. D. May mataas na pagtingin sa mangagawang tulad ni Fak bilang janitor. 4. Kung kaibigan mo si Fak anong ipapayo mo sa kaniya upang maging maayos ang kaniyang buhay? A. Tigilan ang bisyo at maghanap ng disenteng trabaho. B. Magpagaling mula sa bugbog at maghiganti sa gumawa nito sa kaniya. C. Palayisn si Mai Somsong dahil nagdadala lamang ito ng kalat sa bahay nila. D. Ipagpatuloy ang pagsasawalang bahala upang walang problema. 5. “Ayos lang ako. Wala akong sakit.” Sagot ni Fak nang pinayuhan siyang magpatingin sa doktor. Sa iyong palagay bakit kaya ganoon ang kaniyang desisyon sa kabila ng nararamdamang sakit? A. Wala talaga siyang nararamdamang sakit, masasayang lang ang pera sa doktor. B. Higit na mararamdaman niya ang sakit kung ititigil niya ang bisyo. C. Mahirap pigilan ang bisyo at tanggap na niya ang ano mang kahinatnan niya. D. Paminsan-minsan lang naman ang atake ng sakit at ipapahinga na lam