👤

isang anyo ng lipunan ma pinaglalagakan ng mga katotohanang kailangan para sa kabutihang panlahat​

Sagot :

Answer:

1. Aralin 4 Lipunang Sibil, Media at Simbahan Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos.

2. Balik-aral: • Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao. • Sa lipunang pang-ekonomiya, ginagawa ng mga tao na malaking tahanan ang bansa – isang tunay na tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto, manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay.

3. Panimula • Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng mga batas upang matiyak nito na matutugunan ang mga pangangailangan sa lipunan. • Magkagayon man, sa maraming pagkakataon ay nagkukulang ang pamahalaan sa layuning ito.

4. Lipunang Sibil • Ang kusang pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t-isa. • Hindi ito isinusulong ng mga pulitiko o ng mga negosyante na may pansariling interes. • Ito ay ibinubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan (business).

5. • Ang lipunang sibil ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, kung kaya nagkakaroon ng likas kayang pag- unlad (sustainable development) na hindi tulad ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan. Halimbawa: 1994- Peace Advocates Zamboanga – adbokasiyang palakasin ang ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim 1984- Gabriela Movement – isinulong at naisabatas ang Anti-Sexual Harrassment Act (1995), Anti- Violence Against Women and their Children Act (2004), at iba pa.