Nangyayari ang mga kilos-protesta dahil nais ng mga tao na sila ay mapakinggan.
Ito ay direktang manipestasyon ng kagustuhan ng mga taong magkaroon ng pagbabago sa sistema.
Ang kilos-protesta ay ginagawang paraan ng mga tao o grupo ng mga tao sa buong mundo upang hamunin ang gobyerno, instiusyon, patakaran, o mga may-ari ng kompanya na nagbibigay ng di-makatarungang polisiya at regulasyon o sistema.