👤

paano nililikha Ang ibat ibang barayti ng wika?​

Sagot :

Answer:

Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika, ay nailalabas o napapahayag natin ang ating mga emosyon at saloobin, masaya man o malungkot. Ginagawa natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan at iba pa.

Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng iba’t-ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga variety ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.