Answer:
pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito
Explanation:
maraming pagbabago ang nagaganap sa isang nagdadalaga / nagbibinata. isa na rito ang pagkakaroon ng pagbabago sa katawan o pagbabagong pisikal.
sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata nagsisimula ang pagkakaroon ng mga pimples o tighiyawat. nagkakaroon na rin ng body-odor o "putok".
ang dalawang ito ay maaaring mapamahalaan sa pamamagitan ng pag-aalaga sa sarili. kung nagsisimula nang tumubo ang mga pimples, ugaliin na ang regular na paghihilamos, iwasan ang paglalagay ng iba't ibang facial product, iwasan na ang pagpupuyat, pagkain ng malalansang pagkain at pagiging exposed sa pollution. kung nagsisimula namang magkaroon na ng putok, dapat ay ugaliin na ang regular na pagligo, paglalagay ng tawas o ng deodorant.
ang ilan pa sa mga pagbabagong pangkatawan ay pagtangkad, pagkakaroon regla, paglaki ng dibdib at paglapad ng balakang (para sa babae), pagkakaroon ng buhok sa kili-kili at maselang bahagi ng katawan.