👤

Kung ikaw ay magaling bumuo at sumulat ng tula. Maaaring lumikha ng isang tula na may apat na taludtud o higit pa. Ang nilalaman nito ay tungkol sa iyong pamilya kung paano ka nila hinubog. ​

Sagot :

Answer: ANG AKING PAMILYA

Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay,

Ang mga magulang ko ang aking taga gabay.

Sa mundong puno ng lungkot at problema,

Hindi nila ko hinayaang mag-isa at walang kasama.

Sa loob ng labing-anim na pagkabuhay ko sa mundo,

Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko.

Mula sa araw ng aking pagsilang, sila’y nasa tabi.

Hindi nila ko hinayaan hanggang sa ako’y lumaki.

 

Laking pasasalamat ko sa kanilang pag-aalaga

Pagkat ako’y lumaki nang maayos at may kwenta.

Kapag may problema, laging nariyan para umalala

Dahil sa ako’y mahal at anak nila.

Bilang isang anak, hindi man ako perpekto.

Ayos lang dahil sila nama’y mahal ko.

Hindi ko man ipakita ang pagmamahal na ito

Alam kong nararamdaman ito ng kanilang puso.