👤

pahelppppp Po
sana yung maasyos na sagot po​


Pahelppppp Po Sana Yung Maasyos Na Sagot Po class=

Sagot :

Answer:

Maikling kwento

Noong unang panahon sa isang malayong bayan sa Luzon may isang batang mahilig gumuhit ng mga iba't ibang larawan, ito na ang naging hanap-buhay upang makatulong sa kanyang magulang upang hindi na ito mahirapan. Si Pablo ay isang matalino, mabait , masipag at mapagmahal na bata ang kanyang magulang ay nangangalakal lamang upang may maipakain sa kanilang limang makapatid si Pablo ang panganay sa mga ito at siya ay labing lima pa lamang at siya ay nag aaral sa silang pambulikong paaralan sa kanilang bayan dati ngunit siya ay humito sa upang hindi na mahirapan ang kanyang mga magulang at siya ay tumutulong na lamang sa pangangalakal ng basura . Araw - araw lagi siyang dumadaan sa isang sikat na paaralan din sa kanilang bayan upang makapaghanap- buhay ito ay ang pag guhit ng mga larawan sa mga istudyante gustong magpaguhit sa kanya para sa kanilang proyekto sa kanilang paaralan. Siya ay nakakakita ng isang daan hanggang dalawang daang piso depende sa kung ilang istudyante ang nagpapagawa sa kanya, at lahat ay namangha sa kanyang angkin galing sa pagguhit kaya marami rin ang gustong mag paguhit sa kanya.

Isang araw habang siya ang nangangalakal ng basura may nakita siyang lumang isang aklat na ang laman ay mga ginuhit na mga larawan na may diyalogo ang mga taong bida sa mga larawan at mayroon itong istorya ito ay parang gaya ng kanyang nakikita sa mga palabas ngunit ito ay nakasulat lamang sa isang aklat. Kaya dinala ito ni Pablo sa kanilang bahay at kaniyang binasa ang parang aklat na ito. Sa kaniyang pagkalibang sa pagbabasa hindi niya na malayan ng may nahulog galing sa aklat ay ito ay sulat galing sa lumikha ng obra na iyon. At ang nakasulat nito ay isang pangalan ng may ari ng aklat kay ng mabasa ito ni Pablo kanyang dali- dali niya itong hinanap ang nagmamayari niyon upang kanyang maisauli ang bagay na iyon sa tunay na may-ari. Pagdating niya sa adress ni tinutukoy sa kanya ng mga tao nagulat siya sa isang luma at antigong bahay na kanyang nakita halatang pangmayaman ang bahay na kanyang na kita kaya dali-dali siyang pumunta sa gate ng bahay na iyon at kumatok hindi ng tagal may nag bukas sa kanyang isang matandang babae at nag patuloy sa kanya. Pagpasok nila sa loob tinanong siya ng matandang babae kung ano ang dahilan kung bakit na paroon ang binata at pinakita ng binata ang aklat na kanyang dali sa matanda laking gulat ng binata ng makitang umiyak ang matandang babae sa kanyang nakita na aklat at dahil dito ay tinanong ng bata ang dahilan kung bakit umiyak ang matandang babae kaya nag kwento ang matandang babae sa binata na tungkol sa aklat na iyon, ang obra na iyon ay gawa ng kanyang anak sa dati nilang bahay dahil mahilig daw magbasa, magguhit at mag sulat ng isang mga hindi makamatutuhang mga istorya, kaya gumawa ng mga larawan ang anak na matadang babae at nilagyan ng diyalogo ang mga bida sa larawan upang makagawa ng isang istorya ng may nakikitang mga pangyayari at ito ay kanyang tinawag na comic ngunit ng matapos ng kanyang anak ang libro ay nasunog ang kanilang bahay at sa kasamaang palad hindi na nakaligtas ang kanyang anak sa sunog kaya mas lalong umiyak ang matandang babae dahil isa sa pangako niya sa kanyang anak na ibabahagi ang kanyang nagawa obra upang magkaroon ang mga tao ng mapaglibang kung sila ay may problema sa kanilang buhay at makaroon ng isang bagong obra na maaari ring mapagkakitaan ng mga tao. Kaya ng maibalik ni Pablo ang libro pinangako niya na kanyang tutulongan ang binata sa at papaaralin ito bilang gantimpala sa pagsauli ng obra ng kanyang anak. At nalaman ng matandang babae na magaling ang binata sa pagguhit kaya bilang pagtupad sa pangako niya sa kanyang anak gumawa sila ng mga kopya ng aklat na ng kaniyang anak at tinawag nila itong comic. Marami ang mga taong nagustohan ang mga comic kaya gumawa si Pablo ng kanyang sariling comic at dahil sa kanyang aking talento at pagka matalino siya ay naging matagampay sa mga ito.