Sagot :
Answer:
ano ang ekspresyong ginamit sa talata na Kaipala’y palasak na ang kasabihang ang kagandahan ay lumilipas, nagmamaliw. Katulad ng talulot ng mga bulaklak na nangungulit sa init ng araw, ang kagandahang taglay ng isang dalaga’y tumatakas at naglalaho sa pagdaan ng panahon.Darating ang yugtong mahuhumpak at mangungulubot ang kanyang mga pisnging dati’y sagisag ng kabataan at maging ang kanyang mga matang may kislap at tila nangungusap ay manlalabo. At sa ganito, ang kagandahan nga kaya niya’y tuluyan nang naglaho? Oo, datapwa, ang tunay na kahulugan ng kagandahan ang siyang ay di kailanman magmamaliw. Ang panlabas na anyo na lamang ng kagandahan ang siyang nawawala, datapwa, ang kagandahang nakatinag sa puso at nakipagbulungan sa kaluluwa ay mananatili. Ang kagandahan ay bahagi ng daigdig- ito’y isinabog ng Maykapal upang makapagdulot ng kaluguran at aliw sa tanan at kailanma’y di malilibing na kasama ng mga katawang-lupa.