Sagot :
Answer:
Kahulugan at halimbawa ng salitang HATOL
Ang salitang hatol ay isang halimbawa ng pandiwa. Verdict ang salin nito sa wikang Ingles. Nangangahulugan itong nagbibigay ng isang desisyon o husga sa isang pangyayari batay sa nakalap na impormasyon. Ito ay kadalasang ginagamit na salita sa mga hukom. Narito ang ilan sa salitang mayroong kasingkahulugan nito:
Husga
Pasya
Desisyon
Hukom
Resulta
Mga halimbawa ng pangungusap na ginagamitan ng salitang hatol:
Pagkakakulong pang habang buhay ang naging hatol ng hukuman kay Jose dahil sa nagawa nitong krimen.
Hintayin na lamang natin ang hatol ng punong-guro batay sa insidenteng naganap.
Batay sa mga mamamayan, hindi naging patas ang hatol ng husgado sa naging kaso ng magkapatid na Emil at Ronnie.
Explanation:
Pa brainliest po